Namimiss ko yung mga araw na tumatakas ako makapunta lang sa inyo, mga oras na pinipilit kong pagkasyahin makasama ka lang, mga minuto na kahit sobrang iksi nalang kahit nasan man ako gagawa at gagawa ako ng paraan makarating lang basta't sinabi mong "dapat andito ka na sa oras na to ah", mga segundo na minamadali kong dumaan para makita ka na. Sa dalawang taon na pinagsamahan natin bawat araw, oras, minuto, segundo, na kasama kita wala akong pinagsisihan kahit dumaan yung mga araw at pangyayaring di tayo naging masaya. mag iisang taon na lumipas mula nung nag pasya akong maging malaya dahil ayoko ng masaktan pa tayo pareho at para hanapin yung nawawalang AKO nung naging tayo. Sobrang daming hadlang na hanggang ngayon lumilitaw pa din, mga taong di nagiging masaya pag masaya tayo. Salamat dahil hanggang ngayon bahagi pa din ako ng buhay mo. Salamat din sa mga taong naging masaya para satin, sa mga taong sumuporta at gumabay satin, sa lahat ng umalalay sa mga pinagdaanan natin. Di man tayo lubos na naging masaya atleast kahit papano naiparamdam natin na di natin kaya dati na mawala ang isa't-isa. Sana tuloy tuloy na yung kaligayahan mo ngayon. Di ko na ngayon makaksama yung taong peyborit kong sabihan ng mga problema. Yung taong laging nag sasabing "ok lang yan "Mi"dito lang ako lagi kakampi mo".
Di naman lahat nag tatagal. Darating yung araw na kailangan nyo ding mag hiwalay. Kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. Kailangan lang pang unawa at pag-intindi. Sabi nga nila: "you dont know know what you have until you lose it, but its not like that. You always know what you have, you just never thought you would lose it."
..BULONG NG ISIP WAG KANG PAKAWALAN NGUNIT PUSO KO AY KAILANGAN KANG IWAN
misszhyrin :))